"mediacafe"

I visited one of the "kapehans" in Baguio when I took my internship last summer. I had a report and I was told to join the other interns in that kapehan. I was amazed at those journalists who were drinking their coffee while discussing on certain matters.Thoughts caught me off guard that my blog could also be a cafe wherein media practitioners could discuss whatever issue they want to talk about. Indeed, I find it unique yet professional for my blog to be named as www.mediacafe.com.

Monday, September 18, 2006

LVT CELEBRATES HIS 65th BIRTHDAY

Dean Luis V. Teodoro celebrated his 65th birthday last August 24, 2006 at Balay Kalinaw at University of the Philippines Diliman. The surprised party of LVT given by his friends in the academe was attended by about 30 people. The visitors such as National Artist Bienvenido Lumbrera and Prof. Raul Ingles read their birthday greetings and gave their testimonials to LVT.
In any case, below are the photographs of the said celebration.
Photo 1: Silay Lumbera, Shayne Lumbera, Dr. Georgina Encanto and Linda Co
Photo 2: Prof.Raul Ingles
Photo 3: LVT gives his response.

Monday, August 28, 2006


Bulong ng Takot o Sigaw ng Propesyon?
(Ano ang Pakikinggan mo?)

Nabasa ko ang isa sa mga artikulong isinulat ni Ginoong Danilo Arao na pinamagatang “Mensahe sa mga Mag-aaral ng Peryodismo.” Bilang isang estudyante ng peryodismo, nakuha ng artikulo ang aking interes. Nais ko ngayong ibahagi sa mga mambabasa ang aking pananaw at reaksyon sa nasabing likha.

Alam niyo ba na naitanong ko na sa aking sarili kung saan ba ako tutungo sa aking pagtatapos? Tulad ng maraming mag-aaral ng peryodismo, ako man ay nakararamdam ng pagkalito. Tila hindi ko matanggap ang pagkalito at pagkabagabag na ito sapagkat mula pa lamang sa aking pagkabata ay ninais ko nang maging isang mamamahayag. Dati, buo ang loob kong sumabak sa totoong propesyon ng peryodismo. Kritikal kong pinupuna ang bawat pangyayari sa aking paligid at matatag ko rin namang tinatanggap ang bawat puna at puri sa aking mga binibitiwang salita. Sabi nga nila, kung wala kang tapang, wala kang maisusulat at maibabahagi. Kaya mula noon, walang takot kong isinisiwalat ang bawat obserbasyon ko sa mga bagay-bagay. Nasabi ko pa nga sa aking sarili na isa ako sa mga susunod sa yapak ni Mel Tiangco. Sa madaling salita, nais ko talagang gampanan ang papel ng isang tunay na mamamahayag. Noon, ganito ang aking pananaw. Ngayon, nakalulungkot aminin ngunit nararamdaman ko na ang takot sa aking dibdib.

Hindi lingid sa aking kaalaman na dumarami ang bilang ng mga mamamahayag na pinapatay. Nararamdaman ko rin ang panunupil sa aking lipunang ginagalawan. Maging ang pag-aalala ng mga kapwa ko estudyante ay kitang-kita na rin. Ngayon, ano ba ang dahilan ko para hindi matakot? May pinanghahawakan ba ako upang patuloy kong gampanan ang papel ng isang mamamahayag? Kung mayroon man, paano ako kikilos nang naaayon sa dikta ng aking propesyon kung ang kapalit nito ay ang aking buhay o buhay ng mga mahal ko? Katanggap-tanggap ba na katumbas lamang ng aking buhay ang istoryang isusulat ko?

Nais ko tuloy sisihin ang mga tauhan ng pamahalaan na may makitid na pag-iisip at mababang pang-unawa. Kung tutuusin, sila ang dapat supilin dahil sa pagkakait nila ng kalayaan para sa mga mamamahayag na isulat ang anumang totoo. Sa bawat pagpatay sa isang mamamahayag, hindi lamang isang karapatan ang naiwawaksi kundi ang karapatan ng buong bansa na malaman ang bawat anggulo ng pangyayari.

Baka naman limot na ng mga taong nasa itaas na demokratiko ang sistemang ipinaiiral sa ating bansa kaya`t ang bawat isa ay may kalayaan at karapatang magsalita ng kanilang hinaing at naisin?

Magkagayon man, kailangang may magpa-alala sa kanila ng nakalilimutan nilang sistema. Ito ngayon ang panibagong hamon sa mga mamamahayag. Isang malaking hamon para sa mga tauhan ng peryodismo ang patuloy nilang isiwalat ang lahat ng kailangang malaman ng taong-bayan at ipakita ang lahat ng anggulo sa bawat pangyayari sa kabila ng nananaig nilang takot.

Sa kabilang banda, ang papel ng mamamahayag ay hindi natatapos sa pagiging "tagapagsiwalat" lamang. Bilang tagapagbahagi ng impormasyon, kailangang mamagitan ang mamamahayag sa bawat impormasyong kaniyang bibitiwan. Kailangan niyang pangatawanan ang anumang impormasyong magmumula sa kaniyang panulat. Sa ganitong paraan, mapatutunayan ng mamamahayag sa pamahalaan na may esensiya ang peryodismo at mahalaga ang papel nito sa bansa.

Aaminin kong naririnig ko ang bulong ng takot, ngunit hindi ito sapat na dahilan upang mabingi ako sa sigaw ng aking piniling propesyon. Malakas pa rin ang sigaw na ito dahil interes ng nakararami ang nakasalalay rito. Kung pakikinggan ko ang bulong ng takot, para ko na ring itinapon ang matagal ko nang pangarap-ang maging isang mamamahayag.

Danilo'>http://solarpower.dannyarao.com/?p=97/ass/30%">Danilo Arao

Tuesday, July 25, 2006

Maniniwala Ka Ba?
(SONA 2006)
"I am not here to talk about politics, but what people want".
Ito ang pambungad na katagang binitiwan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang State of the Nation`s Address (SONA) noong Hulyo 24 sa Batasang Pambansa.
Ika nga ng iba, pambungad pa lamang ay kaabang-abang na. Ano kaya ang mga maituturing na kagustuhan ng tao? Sa mga adhikaing ito kaya natitigil ang ideya ng maruming pulitika? O sa mga naising ito ng tao nagsisimula ang sarili ring intensyon ng mga pulitiko?
Ilan lamang ito sa mga katanungang nais kong mabigyan ng kasagutan mula sa pakikinig ng SONA. Nang aking marinig ang unang katagang binigkas ng Pangulo, agad kong naitanong sa aking sarili kung ano ba ang konotasyon ng Pangulo sa pulitika at sa kung ano ang kagustuhan ng tao. Hindi ba`t nakakalito dahil sa ating nakikita, sa pagtugon sa kagustuhan ng tao ay nagkakaroon ng maruming laro ng pulitika? Kung gayon, marahil ay pinaiikot lamang tayo ng Pangulo sa kaniyang SONA. Sa kabilang banda, maaari ring tunay na may hangganan ang pulitika sa kagustuhan ng tao. Bakit hindi natin isa-isahin ang mga pangakong binitiwan ng Pangulo upang makita natin kung saan pumapasok ang pulitika at kung saan ito nagtatapos.
Sinimulan ng Pangulo ang kaniyang talumpati sa pamamagitan ng pagbabalitang naiuwi na ang ilan sa mga Overseas Filipino Workers mula sa Lebanon. Isa itong magandang balita dahil nailigtas ng pamahalaan ang ating mga kababayan mula sa napipintong kapahamakan.
Ang mga pagsubok na dumarating sa ating bansa, ayon sa Pangulo ay hindi dapat sisihin, bagkus ay dapat ayusin. At sa patuloy na pagharap ng pamahalaan sa mga pagsubok na may kinalaman sa ekonomiya ng bansa, heto at mayroon na tayong pondo para puksain ang graft and corruption. Mayroon na rin tayong sapat na budget para sa reporma sa halalan at konstitusyon. Sa madaling salita, mayroon na tayong sapat na salapi upang bayaran ang ating mga pagkakautang at upang muling buuin ang ating bansa.
Masasabing highlights ng SONA ang plano ng Pangulo na hatiin ang bansa sa limang Super Regions. Ito ay ang North Luzon Quad bilang Agribusiness Quadrangle; ang Metro Luzon Urban Beltway na may kakayahang lumaban sa Global Competition; ang Central Philippines Super Regions para sa Turismo, ang Mindanao Super Regions na isa ring agribusiness area; at ang Cyber Corridor na huhubog sa telekomunikasyon at teknolohiya.
Sinamantala rin ng Pangulo ang pagkakataong iyon upang pasalamatan ang Kongreso, mga vivil servants, militar, pulisya, mga lokal na opisyal, at ang mga Pilipino na nagtitiis at nagsasakripisyo para sa ikabubuti ng bawat isa. Pinuri din ng Pangulo ang mga Pinoy na nagbibigay ng karangalan sa bansa.
Bago tuluyang natapos ang isang oras at isang minutong talumpati ng Pangulo, binaggit niya na kailangan nating baguhin ang ating konstitusyon upang madala ang puhunan ng bansa sa bagong milenyo. Sa madaling salita, tinulak ng Pangulo ang pag-amyenda ng ating konstitusyon upang makaakit ng mamumuhunan.
Kung ating susuriin ay maganda ang mga inihaing pangako ng Pangulo lalo na ang pagkakaroon ng limang Super Rgions. Sa ganitong paraan, matututukan ng pamahalaan ang kani-kaniyang kagalingan ng bawat rehiyon. Basta`t may sapat na pondo, mapagbubuti rin ng bawat rehiyon ang kani-kanilang responsibilidad sa pagpapaunlad at pagpapabuti ng bansa. Hanggat walang Pilipinong maaapektuhan ng pagdurugtong sa mga daungan at daan, ang planong ito ay tila higit na makabubuti sa nakararami. Patunay lamang din ang planong ito na may progresong nagaganap sa bawat rehiyon at pinahahalagahan ng pamahalaan ang pag-unlad na ito.
Sa kabilang banda, may mga mamumuhunan na nagsasabing hindi nila alam kung saan kukunin ng gobyerno ang pondo para sa mga proyektong inilatag ng Pangulo. Sa madaling salita, maaari kayang pinaaasa lamang tayo ng nakatataas na opisyal? Magkagayon man, mabuti na ring umasa at mabigo dahil dito lamang tayo natututo at umuunlad bilang mga indibidwal. Dito na rin tayo nagiging kritikal sa bawat aksyon at desisyon ng pamahalaan. Dito na rin natin natututunang lumaban at lagyan ng hangganan ang maruming laro sa pulitika.
Sa pagtulak ng Pangulo sa pag-amyenda ng konstitusyon, pumapasok ang pulitika. Ayon sa kanya, dapat magkaroon ng pagbabago sa konstitusyon para sa ekonomikong pag-unlad. Sa aking palagay, hindi lamang Charter Change ang solusyon upang magkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya, maging sa iba pang sektor ng bansa. Nais ko tuloy itanong sa aking sarili na kung hindi ba magkakaroon ng Cha-Cha ay hindi rin magkakaroon ng sapat na pondo para sa iba pang plano ng gobyerno? Nakabatay ba talaga sa pagpapalit ng konstitusyon ang progreso ng bansa? O ginagamit lamang ng Pangulo ang kagustuhan ng taong-bayan upang ipasok ang sarili nitong interes? Dito natin balikan ang pambungad niyang kataga. Kapani-paniwala ba?

Sunday, July 16, 2006

Pangako sa Likod ng "Bandila"

Sa industriya ng telebisyon, maraming pagbabago. At ang bawat pagbabagong nagaganap ay ayon sa ikabubuti hindi man ng lahat, kundi ng nakararami. Ito ang pinaniniwalaang ideya ng isa sa mga kilalang networks sa bansa, ang Alto Broadcasting System Chronicle Broadcasting Network o mas kilala sa tanyag nitong pangalang ABS-CBN.

Kamakailan lamang ay inihayag ng pamunuan ang malaking pagbabago sa timeslot ng programang pambalita. Ayon sa ABS-CBN, matutunghayan na ang nagbabagang mga balita nang mas maaga sa bago nitong late night newscast na papalit sa Insider, ito ay ang Bandila. Ang programang pambalitang ito ay pangungunahan nina Henry Omaga-Diaz, Ces Drilon, at Korina Sanchez.

Nang aking marinig ang pahayag na ito, agad kong naitanong sa aking sarili kung ano ang magiging kaibhan ng bagong programang ito sa mga nauna nang programang pambalita. Sa totoo lang, naengganyo akong abangan at panoorin ang unang pag-ere ng Bandila sa telebisyon.

Hulyo 3, 2006 nang unang ipalabas ng ABS-CBN ang bago nitong programa-ang Bandila. Inaantok na ako nang mga oras na yon ngunit pinilit kong manatiling bukas ang aking mata nang sa gayon ay makita ko man lamang ang suot at ayos ni Korina Sanchez. Opo, ganoon kababaw ang aking dahilan, ngunit hindi nangangahulugang idolo ko ang nasabing brodkaster. Nais ko lamang siyang laging nakikita dahil nais kong punahin ang bawat galaw na inaakto niya at ang bawat salitang binibitiwan niya.

Kung matatandaan, bago ipalabas ang Bandila ay ipinahayag ng pamunuan na malaki ang pagkakaiba ng bago nitong programa sa mga tipikal na late night newscasts. Ayon sa kanila, ang Bandila ay iikot sa nilalaman ng balita, at hindi sa mismong balita. Idinagdag pa ng ABS-CBN na tututukan ng programa ang mga balitang may kinalaman sa nasyonalismo, kagandahang-asal, at serbisyo publiko. Ano ngayon ang ibig nilang sabihin?

Sa aking panonood, napansin kong inulit lamang ng tatlong brodkaster ang mga ulo ng balita sa TV Patrol nang araw ding iyon. Bukod dito, ang balita sa pagkapanalo ni Manny Paquiao ay binasa sa huling parte ng programa. Kapansin-pansin din ang puwesto ng tatlong brodkaster, kung saan nakahiwalay at tila may solo-flight si Sanchez sa isang platform habang sina Drilon at Omaga-Diaz ay magkasama at nag-uusap sa kabilang platform. Matapos ang 30 minuto, natapos ang palabas at kitang-kita sa aura ng mga brodkaster na tila hindi nila alintana ang mga punang maaaring ibato sa kanilang programa.

Tulad ng iba, ako ay nakaramdam ng pagkabitin sa programa. Naghintay ako ng mas malalim na interaksyon sa pagitan ng tatlong respetadong brodkaster, ngunit ako ay nabigo.

Nais kong purihin ang ABS-CBN sa paglunsad nito ng Bandila, at sa pangangako nito na pagtutuunan ng programa ang sustansiya at nilalaman ng balita. Kung gayon, bubuksan ng Bandila ang isipan ng mga manonood sa iba`t ibang isyu ng bawat Pilipino. Bibigyan din nito ng pagkakataon ang mga manonood na pumili ng isyung nais nilang paniwalaan. Higit sa lahat, ihahain ng Bandila ang tunay na kahulugan ng pagiging malayang tao na nabibilang sa isang demokratikong nasyon.Kung tutuusin ay malaking hamon ang bagong programang ito para sa kanilang network dahil makikipagsabayan ang Bandila sa mga nauna nang programa ng kompetisyon.

Ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-alala at maghinala sa kalalabasan ng Bandila. Mabigat ang binitiwan nitong pangako kaya`t mataas din ang ekspektasyon ng mga tao. Ang tanong ngayon ay hindi kung paano iikot ang Bandila sa nilalaman ng balita, kundi kung paano nito pananatilihin ang pangakong binitiwan nito sa mga manonood.

- JOSH -

Sunday, July 09, 2006

ABSOLUTE OR NOT?

Tonight as I lay on my bed, thoughts came rushing and caught me off guard with my curiousity. As I dig into things deeply, it suddenly halted me into one question: What kind of system our media have? As I gather instances piece by piece, I came into realization that I should not have asked this, nor even thought of this. It might only give me a headache, but I cannot help but to wonder.

History, as they say, is the central part of evertything because we cannot go forward without stepping back to our origin. And so let me first discuss the historical origin of our media system.

During the Spanish regime, our free press as understood in modern democratic nations was unknown in the Philippines. The government under Spain had absolute power to prohibit and penalize condemnation of the prevailing policies, and so there was no free society.

When the Propaganda Movement and the Revolution came, Filipino people began to search for freedom. This vigilant concern of the people for a free press gave real liberty to newspapers in areas under their control. However, there was no censorship of publications.

In American regime, there was hope that the American government would preserve to the Filipinos a large measure of freedom. Civil government was established.

Indeed, an assurance of a free press became one of the most powerful instruments of the Filipinos in their struggle for freedom from the said regime.

Through the years, we have four media systems. the Authoritarian, which says that the government is supreme and accepts no challenge to its power was also the first "theory" of the press. The press under this theory remains privately owned but is controlled through licensing and sedition laws. The second system is the Libertarian, which says that the media and the government are independent of each other. Free expression here is valued. The Soviet-Communist is the third system. It suggests that the government owns the media and uses it for its own greater causes. Free expression is not valued in this system. The fourth media system is the Social Responsibility and like Libertarian, the government and the media are separate.

Having mentioned the four systems of media, I was thinking where our media system would fall. And as I gather again the instances, I realized that we actually have a hybrid of the different media structures.

Yes, we are in a democratic society and it is our set of mind that we have a free press. But if we would think of it critically, the right to be free that is assured to us is actually not absolute. I mean, why did GMA banned the Daily Tribune and confiscated its publications if the media`s right to express is absolute?

Indeed, the freedom of the press that was fought for by the Filipino people many years ago has not yet been attained. The government still accepts no challenges to its power and we are still being manipulated by some authorized people. As media players, we are still searching for that freedom to exercise our right and we are struggling to own that priviledge.

It is actually not a question of what kind of media system we have, nor a question of do we really have an absolute right. Realizing that we are not yet free might be viewed us as a loser, but remembering the fact that we have been fighting for only one purpose makes us a winner.
- josh -

Sunday, July 02, 2006

An Hour May Change A Lot

As I was scrolling one of my favorite parks in our place yesterday, I suddenly realized that nobody was there. That was around 2:00 in the afternoon, and so I thought that people were just taking a nap. I felt like being isolated but I still continued walking while puffing my remaining stick of cigarettes. I felt even more being alone when I went home and saw my boardmates all busy watching the "Mano-A-Mano:Paquiao-Larios fhight. I had no choice but to go with them. I took my seat and watched the ever awaited fight of the so called "champions".

While watching the fight, I see a lot of different personalities and even politicians. There were the Estrada`s group and the Singson`s company; the Lopez family and the Santos one. Even Vice President Noli De Castro was there to support our warrior. Couples like Aga Muhlach and wife Charlene Gonzales; and Raymart Santiago and wife Claudine Barretto were also present. Even Richard Gutierrez from the rival network was there to cheer for Manny Paquaio.

I must admit that I am, somehow, isolated from my company because I hate seeing myself watching such fight. I mean, What is that fight for? I wanna raise the question to my boardmates, but I hesitated bacause I knew that they would have the same answers.

Suddenly, thoughts caught me off guard on the fact that the fight, somehow unites the country, joins the people, and makes an alliance between competing groups. We all know that our nation has been facing a lot of economic and political problems and it seems that nobody knows what to do right. Instead of being united, our government officilas have different point of views on certain matters. They are all debating for what they think is right for our country. They are all competing, and for worse, they are hitting each other below the belt.

I just want to point out that how can a problem be solved when the people who are supposed to make a solution have different and competing ideas? The issue of the impeachment for GMA, for instance, is an ideal model of what I am discussing about. If I am one of the officials in Malacanang, why would I waste my time for such hearing of impeachment trial if I could devote my effort to more meaningful public concerns? I think, there is actually no better alternative for our reigning President, and so why don`t we just be contented with the way GMA manage our country? Have we ever think that she would still be the President even without cheating the election? But not that much, I think! So who do you think could be a better alternative?

Indeed, the fight of Manny Paquaio plays a vital role in uniting our country as well as its competing officials. An hour of being united for only one purpose while watching the fight may change a lot.

Monday, June 26, 2006

Media chooses no place to discuss and argue. Journalists consider no spatial milieu, nor territorial aspest as long as they have an issue to raise. In journalistic term, there is freedom of the press.

As what has been mentioned by Jaime Ramirez, a press that is free is essential to a democratic society because its freedom gives it power. This power in our country implies responsilbility in its exercise. No institution, therefore, can limit the power of free press.

Adding to what Ramirez suggested, there can be no free society if there is no free press. We have a democratic and free society and so media practitioners have to not take this for granted. As the "eyes" of every citizen, media players must be always aware on whatever issues that concern the public. And as the" voices" of our society, these players must be brave enough to utter and publish such public concerns.

Indeed, www.mediacafe.com is a milieu wherein media practitioners can enjoy their priviledge of being free to voice out public concerns. They always have the right to sit back and relax while discussing on certain vital issues just like in real KAPEHAN.

-JOSH-